FEAST BUMP! Sizzling Mg Bros! UNLI sa Sarap!

 Sa hirap kumita ng pera ngayon dapat worth it yung mga binibili natin o kung saan man natin ginagastos kaya naman pagdating sa pagkain piliin natin yung mura na pero satisfied ka, when I mean satisfied talagang masarap at busog ka talaga.



Kaya nung sinubujan namin kumain sa Sizzling MG Bros ay tagalang worth it ang bawat subo namin, bawat kagat talagang panalo, paano ba naman UNLI GRAVY, UNLI RICE!!!! AT UNLI SOUP PA!
At hindi lang tipikal na soup ito dahil Sabaw ito ng Mami na nanunuot sa lasa yung matagal na pinagkuluang Laman ng Baka. 








Sulit sa serving dahil mas malaki ang serving ng menu nila compared sa ibang sizzling restaurant, kaya di masasayang yung unli rice mo kasi sa ulam palang baka mabusog ka na. Tinry din namin yung Sizzling Tofu nila at grabe yung sauce and yung crispiness, balut ng sauce yung sliced tofu pero pagkagat mo talagang ramdam mo yung crispiness at uulit ka sa pagkuha kasi iba yung feeling, yung tipong tinikman mo pero titikman mo ulit. 

Nagsimula sila sa PARE MAMI kaya para sakin ay perfect na nila yung recipe nito, well kumakain din ako sa ibat ibang paresan at kung ikukumpara ko ay nangingibabaw talaga ang lasa nito kahit sa mga mismong kilala nang Paresan na Resto. Yung Gravy nila talaga Gravee talaga kasi kahit yun lang matitikman mo talagang masasarapan ka, plus yung Chicken nila na nanunuot yung lasa sa buong laman ng chicken kasi merong iba sa labas lang tapos walang lasa sa loob pero yung chicken nila from the outside to inside talagang yummy!

The best din yung Pork chop nila kasi bukod sa serving size ay syempre yung tenderness nito, talagang malambot sya sa kapal ng hiwa nito ay di namin akalain na malambot sya pag ihnihain samin. And yung lasa talagang lasang porkchop talaga, kasi syempre merong mga porkchop na lasang luma yung pag natikman mo isang kagat parang dry and hindi mo malalasahan yung pork savor nya.

I last part ko yung talagang nakaka attract sa kainan nila ay yung pag buhos ng gravy sa sizzling plate nila, kitang kita mo yung usok at yung pag kulo ng gravy na tumatalsik pa talaga, dun mo mararamdaman yung gutom mo at the same time yung kagustuhan mong kumain na kaagad. Nakakatakam talaga kasi nauna umorder yung katabi naming table kaya mas naunang dumating yung order nila at yun yung naramdaman ko habang binubuhos nung waiter yung gravy.

Yun lang!!!! BURRRRP!!!!!


Comments