Travel Time!? or Time Travel? In Dinosaurs Island - Angeles City , Pampanga


Alam nyo ba na merong amusement and theme park na malapit lang sa Manila, na talaga namang mag-eenjoy ng mga kiddos ang lugar, lalo na ang mga dinosaur lovers jan. Mae-experience nyo din ang T-REX Feeding! Jurassic Jungle Safari! 7D Super Screen! at marami pa! 


                



Sino bang bata ang ayaw sa dinosaur? Kahit na takot sila dito ay talagang kinagigiliwan ito ng marami, ewan ko ba kung bakit pati ako ay napa RAWR!



Sa sobrang favorite ng anak ko ang mga Dinosaurs, ewan ko nga ba kung saan nya natutunan mga pangalan ng mga to (sabagay Youtube is Life), ay magugulat nalang ako at alam nya tawag dun sa mahaba ang leeg ay Brachiosaurus pala, (Thanks Google!).


ENTRANCE!
Sa Entrance palang mapapahanga na ang mga bata dito, pero bago pumasok bayad muna ng entrance fee at narito ang Rates na meron sila. Mayroon different attractions mismo sa loob ng park at syempre iba ang payment ng mga attractions ang Main attractions lang ang kasama sa Entrance fee which is Php350.00 for adults and Php300.00 for Kids Below 16 yrs. old. 
    



PhotoCredits:https://clarklandph.com/rates.html
PhotoCredits:https://clarklandph.com/rates.html

Other than Dinosaurs Island Amusement Park, meron din doong Insectlandia na talaga malaDinosaur din sa laki ang mga Insects, napaka educational ng park na ito dahil malalaman mo yung mga scientific names and yung body structure talaga ng insects ay kitang kita mo. Ang entrance dito ay nakabukod but same rates as the Dinosaurs Island Clark Attraction.

PhotoCredits:https://clarklandph.com/rates.html
PhotoCredits:https://clarklandph.com/rates.html

But wait, may special Promo sila kung gusto nyong mapuntahan lahat dahil almost 2-3 hrs naman ay talagang maeenjoy mo na ang lakaran at picturan sa loob ng Dinosaur park. for as low as Php910.00 per Head ay mapupuntahan mo ang 7 attractions nila at talagang di ka mag sisisi. basta magbaong ka lang ng tubig at konting lakas para sa lakaran at pag take ng pictures.
PhotoCredits:https://clarklandph.com/rates.html

    
          
    Konting TIPS para sa paglalakbay sa mga Attractions.
  • Pumunta ng Maaga dahil pag bandang 10am ay nagsisidatingan na ang ibang traveler with their kids na talaga namang tuwang tuwa na makakita ng Dinosaurs.
  • Take your time! Wag magmadali enjoyin ang bawat hakbang dahil mas masarap ang pakiramdam ng walang hinahabol na oras. Mas mag eenjoy ang mga chikiting sa bawat attractions.
  • Matuto at magexplore, yan ang experience na makukuha mo sa pag travel with your kids, kung pwede kunan ng pictures ang mga informations ay kunan mo at basahin ito. Sa ganitong paraan ay  hindi lang litrato ang maiuuwi mo kundi pati kaalaman na maaring ituro mo sa anak mo.
  • Magbaon ng snacks, biscuits juice at tubig dahil alam naman natin mas enjoy ang mga kids pag may kinakain sila less stress na din dahil mas behave sila pag may kinakain.

Dinosaurs Island Clark ay isang Amusement and ThemePark, sa Clark Picnic Grounds, Gil Puyat Ave, Clark Freeport, Mabalacat, Pampanga.,Nag NLEX lang kami and then exit sa Angeles or Sta. Ines Exit. Almost 1 hour and 30 Minutes and travel time, but if you are from South part ng Manila medyo mahaba ang travel time pwede ngayon pwede  na kayo gumamit ng SKYWAY SLEX-NLEX which is napakaganda ng view pag nakaayat ka sa Express way na to talaga SKYWAY!

 Ang Dinosaurs Island Clark ay OPEN EVERYDAY Monday to Sunday even on Holidays from 8AM to 6PM kaya mawawalan ka ng dahilan para hindi makapunta. just kidding! basta wag natin sayangin yung oras na makasama natin ang ating mga chikiting sa mga adventures at galaan dahil soon paglaki nila baka hindi na tayo ang kasama, kaya habang maliit pa sila ay igrab natin ang opportunity na makasama sila at mag enjoy!


Nung una ay medyo natatakot pa syang lapitan pero nung medyo tumagal na ay nag-eenjoy na sya at ayaw nya nang umalis dun sa Dinosaur Head na yan. Dinala namin yung bike nya dahil mas convenient at mas malilibot namin ng maayos yung park. Accessible naman ang park at may provisions sa mga carrier wheels para  hindi agad mapagod ang mga kids natin.

At eto na nga eto yung mga notes nila sa mga pupunta. 
  • Kids of all ages are allowed.
  • Children 2ft height below is FREE of charge.
  • YOU MAY WALK IN. There is NO advance reservation.
  • Tickets are available at the Dino Island ticket booth only.

Price Rates:

Bale ang Park ay meron 5 Attractions na maeenjoy nyo bukod sa Pre-Historic Dinosaurs,
Meron din silang  Insectlandia, Wonders of the world, Unearthed Museum, Picnic Grounds entrance pass.

PROMO PACKAGE DEALS BA HANAP MO? (Updated April 10, 2022)
FIVE (5) Attractions for a group of FIVE (5) PERSONS‼️ 
BARKADA AND FAMILY PACKAGE PROMO 3,500.00 
⭐️ Five(5) Dinosaurs Island entrance pass.
⭐️ Five (5) Insectlandia entrance pass.
⭐️ Five (5) Wonders of the world 
⭐️ Five (5) Unearthed Museum
⭐️ Five (5) Picnic Grounds entrance pass 
⭐️ Five (5) 1pc chicken, rice and iced tea. 
- Promo is available at Dinosaurs Island Ticket Booth only.
-Promo is not valid in conjunction with other promos nor with a Senior Citizen discount.
-Not Valid for School Tours, Corporate tours, and Group Tour Packages.
-For inquiries call us at (045) 499-3019 or email us at info@clarklandph.com
#dinosaursislandclark




Sobrang na-enjoy namin ang adventure dito sa Dinosaurs Island Clark kaya naman talagang highly recommended namin ito. Yun lang at Salamat!

Comments