FEAST BUMP! Sizzling Mg Bros! UNLI sa Sarap!
Sa hirap kumita ng pera ngayon dapat worth it yung mga binibili natin o kung saan man natin ginagastos kaya naman pagdating sa pagkain piliin natin yung mura na pero satisfied ka, when I mean satisfied talagang masarap at busog ka talaga. Kaya nung sinubujan namin kumain sa Sizzling MG Bros ay tagalang worth it ang bawat subo namin, bawat kagat talagang panalo, paano ba naman UNLI GRAVY, UNLI RICE!!!! AT UNLI SOUP PA! At hindi lang tipikal na soup ito dahil Sabaw ito ng Mami na nanunuot sa lasa yung matagal na pinagkuluang Laman ng Baka. Sulit sa serving dahil mas malaki ang serving ng menu nila compared sa ibang sizzling restaurant, kaya di masasayang yung unli rice mo kasi sa ulam palang baka mabusog ka na. Tinry din namin yung Sizzling Tofu nila at grabe yung sauce and yung crispiness, balut ng sauce yung sliced tofu pero pagkagat mo talagang ramdam mo yung crispiness at uulit ka sa pagkuha kasi iba yung feeling, yung tipong tinikman mo pero titikman mo ulit. Nagsim...